Concon ni GMA, dadaan sa butas ng karayom
MANILA, Philippines - Mahihirapan umanong makalusot sa Kongreso ang resolusyong inihain ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na humihiling na baguhin ang porma ng saligang batas sa pamamagitan ng Constitutional Convention o Concon.
Sa pulong balitaan sa Tinapayan sa Dapitan, sinabi ni Quezon Rep. Erin Tanada at kasalukuyang spokesperson ng Liberal Party na kinakailangan na makakuha ng 191 boto o 2/3 ng Kongreso ang panukala ni Arroyo.
Pero sa kasaysayan ng Kongreso, hindi pa umano nakakabuo ng 191 attendance sa isang session.
“It is a very difficult process, hindi ganoong kadali ang inihaing resolusyon ni Rep. Arroyo,” ani Tanada.
Kinakailangan umanong pagbotohan pa ang mga taong bubuo ng Concon na siyang gagawa ng pag-amyenda sa Saligang batas.
Gayunman, naniniwala si Tanada na kung maayos ang liderato at mga ipinatutupad na polisiya ng pamahalaan, hindi na kailangan pa ang charter change.
- Latest
- Trending