Litrato ng mga sasakyan na na-emission test hingi ng LTO
MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Land Tansportation Office Chief Alberto Suansing sa IT Provider nitong Stradcom Corporation na isumite sa LTO ang litrato ng mga sasakyan na isinailalim sa emission test ng mga centers na naka-direct connect sa naturang kumpanya.
Layunin ng hakbang na maipakita sa taumbayan na nakikipagtulungan ang Stradcom sa kampanya ng ahensiya na mawalis ang mga mauusok na sasakyan sa bansa at hindi nagsasagawa ng non-appearance operation.
Binigyang diin ni Suansing na kailangang masuri ng kanyang tanggapan ang mga litrato kung tunay ngang nagsagawa ng emission test ang mga centers na nakakonekta direkta sa Stradcom.
Ang Private Emission Test Centers (PETC) IT providers na Etcit, Eurolink, Realtime Data Management Services Inc at Cyberlink ay on-time magsumite ng litrato ng emission test results nila sa LTO at tanging ang Stradcom na lamang ang hindi nagsa-submit nito.
- Latest
- Trending