PNoy, wala pang napupusuan sa DENR - Ramos
MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ni Environment and Natural Resources Secretary Horacio Ramos na walang katotohanan ang report na i-extend ni President elect Noynoy Aquino ang kanyang termino sa DENR.
“For the record, President Aquino has not communicated any decision yet on his plans for the DENR leadership,” pahayag ni Ramos.
Sinabi ni Ramos na prerogative ni PNoy na magtalaga ng Kalihim sa DENR ayon sa kanyang kagustuhan.
Sinabi pa ni Ramos na hindi niya lubos maisip kung sino ang nasa likod ng misinformation campaign na nagsasabi na siya ay na extend ang termino sa DENR.
“If you go through the newspaper reports, it would appear that I have made the announcement myself, when in reality I was never interviewed regarding this matter,” paliwanag ni Ramos.
Bagamat marami anya ang naniniwala sa kanyang kakayahan para ma-extend na pangasiwaan ang DENR dahil sa kanyang “seniority at work experience,” ang Pangulong Aquino pa rin anya ang may pinal na desisyon kung sino ang nais nitong maging susunod na DENR secretary.
- Latest
- Trending