^

Bansa

Caloocan maghihigpit sa mga estudyante sa internet shop

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ni Ca­loocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang mga may-ari ng in­ter­net shop sa buong lungsod na pagbawalan ang pag­pa­sok ng mga estudyante sa kanilang establisim­yento sa oras ng klase.

Ayon kay Echiverri, ang direktibang ito ng lo­kal na pamahalaan ay ba­se na rin sa ipinala­bas na kautusan ng Department of Education (Dep­Ed) na nagbaba­wal sa mga estudiyante na pu­ma­sok sa mga inter­net shop sa oras ng ka­nilang klase.

Nakasaad din sa Dep­­Ed order #86 series of 2010 na bukod sa mga internet shop ay bawal ding tumambay at puma­sok ang mga estu­dyante sa mga mall sa oras at araw ng kanilang mga klase.

Bago ito, nakipag-ug­na­yan na rin ang DepEd sa mga may-ari ng mall at internet shop kung saan ay lilimitahan ang mga mag-aaral sa pag­pa­­sok sa kanilang mga establisim­yento nang sa gayon ay hindi makaliban sa kani­lang klase ang mga mag-aaral.

Inatasan na rin ni Echi­verri si Dra. Corazon Gon­zales, district superintendent ng Caloocan City na mahigpit na manmanan ang mga mag-aaral na nagtutungo sa mga int­ernet shop at mall sa oras ng kanilang klase.

Sinabi pa ni Echiverri na higit na may panana­gutan ang mga may-ari ng mall at internet shop sa pag-aaral ng mga ka­ba­taan kaya’t dapat na sigu­raduhin ng mga ito na walang mag-aaral ang makakalabag sa kautu­sang ito.

AYON

CALOOCAN CITY

CITY MAYOR ENRICO

CORAZON GON

DEPARTMENT OF EDUCATION

DRA

ECHI

ECHIVERRI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with