Pagyo-yosi sa mga pampasaherong sasakyan bawal na
MANILA, Philippines - Bawal na ang paninigarilyo sa loob ng mga pampasaherong sasakyan at mga public utility vehicle terminals sa buong bansa laluna sa Metro Manila.
Ito ay makaraang ilunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Health (DOH) ang proyektong “No-Si” (No to Sigarilyo/No to cigarettes) na nagbabawal magsigarilyo ang sinuman sa taxi, jeep at bus.
Umaasa naman ang LTFRB at DOH na susuportahan ng mga driver at pasahero ang naturang programa upang makatulong ang mga itong huwag ng madagdagan ang polusyon sa hangin dahil sa usok mula sa sigarilyo.
Kaugnay nito, sinabi ni LTFRB Chairman Jimmy Pesigan na sa ilalim ng programa, ang mga drivers at conductors ng mga pampasaherong sasakyan ay kailangang abisuhan ang mga pasahero kaugnay ng proyekto.
Maaari din tumawag ang publiko sa LTFRB text hotline na 0921-4487777 para ireklamo ang mga pasaway na driver at conductor na makikitang naninigarilyo sa loob ng pampasaherong sasakyan.
- Latest
- Trending