^

Bansa

Kudeta vs Noynoy haharangin ni Bangit

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Delfin Bangit na hahadlangan nito ang anumang pagtatangka na ibagsak ang susunod na administrasyon ng  napipinto ng iproklamang si President-elect Sen. Benigno Simeon “Noynoy “ Aquino III.

Kasabay nito, tiniyak ni Bangit na hindi susundan ni Noynoy ang yapak ng kaniyang yumaong inang si dating Pangulong Corazon ‘Cory “ Aquino na dumanas ng  siyam na bigong coup plot , pito rito ay naging madugo sa panahon ng kaniyang rehimen.

Sinabi din ni Bangit na wala ng magaganap na ‘military adventurism ‘kontra sa bagong papasok na administrasyon ni Noynoy at kung meron man ay siya mismo ang mangunguna para hadlangan ito.

“Ako mismo ang hahadlang ( coup d etat ),” ani Bangit na sinabi pang hindi niya bibigyan ng sakit ng ulo ang susunod na administrasyon ni Noynoy.

Ginawa ni Bangit ang pahayag sa gitna na rin ng pag-amin na demoralisado siya at ang may 301 pang senior officers ng AFP na na-bypassed ng Commission on Appointments (CA) gayundin maging sa pagkaladkad ng ilang pulitiko sa AFP sa pulitika kung saan nadadamay ang iba pang opisyal dahilan sa kaniya na target ng mga pagbatikos.

Sa kabila ng pagka-demoralisado, tiniyak ni Bangit na hindi ito pagmumulan ng pag-aalburuto dahilan mataas na ang propesyunalismo ng mga sundalo para masangkot pa sa panibagong kudeta.

Samantalang patuloy rin ang pagkalat ng mga text messages hinggil sa tumitinding demora­lisasyon sa AFP subalit itinanggi naman ito agad ni Bangit.

Wika pa ng AFP chief, ipauubaya na nito ang desisyon kay Noynoy kung tatanggalin o papalitan na siya sa puwesto bilang pinuno ng AFP.

vuukle comment

AFP

AQUINO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BANGIT

BENIGNO SIMEON

CHIEF OF STAFF GEN

DELFIN BANGIT

GINAWA

NOYNOY

PANGULONG CORAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with