^

Bansa

Pork barrel ng mambabatas hiniling alisin

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng mga Obispo na dapat nang tanggalin ang pork barrel ng mga mambabatas dahil ito’y malaking source la­mang umano ng corruption.

Ito ang nagkaka­isang pahayag ng mga Obispo ng Simbahang Katoliko kabilang sina Sorsogon Bishop Ar­turo Bastes, Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, at Antipolo Auxiliary Bis­hop Francisco de Leon.

Sa panayam ng church-run Radio Ve­ritas, iginiit din ng mga Obispo na hindi naman tungkulin ng mga se­nador at mga kon­gre­sista ang rural development at public works kaya’t hindi na sila dapat na bigyan ng pork barrel.

Binigyang-diin pa ng mga ito na ang dapat na gawin ng mga mambabatas ay gu­mawa ng mahuhusay na batas para matiyak na mapapalakad ng maayos ang pama­halaan at bansa.

Hindi naman anila kasi inihalal ang mga mambabatas upang kunin ang pera ng mga mamamayan, kundi dapat gumawa at mag­patupad ng mga batas upang mabigyan sila ng mas maayos na pamu­muhay.

Naniniwala naman ang mga Obispo na ma­rami pa ring mga taong kakandidato kahit wala ng pork barrel ngunit mas matitino na nga lamang aniya ang mga ito at ang tunay na layunin ay maglingkod sa mga mamamayan.

Anila, ang mga mam­babatas ay ibi­noto para gumawa ng batas at hindi para gumawa ng proyekto.

ANILA

ANTIPOLO AUXILIARY BIS

BINIGYANG

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

MANILA AUXILIARY BISHOP BRODERICK PABILLO

RADIO VE

SHY

SIMBAHANG KATOLIKO

SORSOGON BISHOP AR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with