Special elections sa Basilan sinuspinde

MANILA, Philippines - Sinuspinde kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang special elections sa bayan ng Al Barka sa Basilan.

Sinabi ni Comelec Commissioner Rene Sar­miento, ito ay dahil sa natuklasan na magkaibang resolution ang inihain mula sa election at barangay affairs­ Department ng Albarka noong nakaraang buwan.

Nabatid na ang unang resulution ay may petsang May 26 kung saan naka­saad na natuloy ang elek­syon sa walong barangay sa nasabing bayan sa kabila ng umanoy tensyon dito.

Subalit sa ikalawa namang resolution inireko­menda ang special elections sa naturang bayan partikular na sa mga ba­rangay na Dinapah, Kali, Bato-Bato, Apil Apil, Bu­calao, Sangkahan, Cam­bug at Look Bisaya.

Ayon sa Comelec iimbestigahan muna nila ang paglabas ng dalawang resolution upang malaman kung kailanga pa o hindi ang special elections sa Al Barka Basilan. (Gemma Garcia/Mer Layson)

Show comments