Nanalong partylist ipoproklama sa linggong ito-Comelec

MANILA, Philippines - Nakatakdang iproklama ng Commission on Elections (Comelec) sa loob ng linggong ito ang 10 sa nanalong partylist group sa nakaraang May 10 automated elections.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, target ng Comelec en banc na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC)  na makapagproklama ng kahit 10 muna sa mga nanalong partylist group bago matapos ang linggong ito.

Magugunita na noong isang linggo pa sana maipo-proklama ang mga nasabing partylist group ngunit dahil sa isinasagawang imbestigasyon ng Kamara ay nabalam ito dahil obligado silang dumalo sa imbestigasyon.

Batay sa pinakahu­ling tally na inilabas ng Comelec,kasama sa  10 nangungunang party-list organizations ang Ako Bicol Political Party (1,522,986 votes), Coalition of Associations of Senior Citizens in the Philippines — 1,292,182 votes, Buhay Hayaan Yumabong Party-list — 1,249,555 votes, Akbayan Citizen’s Action Party — 1,058,691 votes, Gabriela Women’s Party — 1,001,421 votes, Cooperative Natcco Network Party — 943,529 votes, 1st Consu­mers Alliance for Rural Energy (1-CARE) — 768,829 votes, ABONO — 766,615 votes, Bayan Muna — 746,019 votes, An Waray — 711,631 votes.

Sa mga nabanggit tanging ang Ako Bicol at 1-CARE ang mga baguhang party-list groups.

Show comments