^

Bansa

Sa patuloy na panghohostage sa mga Pinoy seamen, 'Pinas humingi na ng tulong sa UN!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na pag-atake ng mga pirata bu­nga ng pagkaka-hostage ng mga tripulanteng Pinoy, umapela ang Pilipinas sa international community na makipagtulungan laban sa pamimirata na patuloy na namamayagpag sa panghaha-hijack ng mga barko hindi lamang sa Gulf of Aden sa Somalia subalit umabot na sa Indian Ocean.

Ayon kay Philippine Permanent Representative to the United Nations sa New York Libran Cabatulan sa kanyang mensahe sa UN General Assembly Informal Meeting on Piracy kamakalawa, nakahandang makipagtulungan ang Pilipinas sa buong mundo at iba pang estado upang maging katuwang na makahanap ng solusyon at pamamaraan upang masugpo ang piracy at ang pinag-uugatan nito.

Tinataya na mahigit sa 200,000 Pinoy seamen ang nakatalaga sa iba’t ibang manning agency at kanilang mga barko sa iba’t ibang panig ng mundo.

Tinukoy ni Cabactulan sa iba’t ibang leader ng bansa na sobrang nakaka-alarma na ang patuloy na pagtaas ng bilang ng hijacking at kidnapping incident ng mga pirata sa Somalia na lalong lumawak at namamayagpag na sa Indian Ocean.

Sa tala ng DFA, kabilang sa mga bihag ng mga piratang Somali ay ang 21 crew members ng MV Voc Daisy, isang bulk carrier na na-hijacked ng Somali pirates noong nakalipas na Abril 22 sa karagatan ng Salalah, Oman at 19 Pinoy pa sakay ng MV Samho Dream, isang South Korean-owned, Marshall Islands-flagged super tanker na na-hijack sa Somalia noong Abril 4.

Noong nakalipas lamang na linggo ay may 23 Pinoy seamen kasama ang dalawang Romanian at isang Indian crew sakay ng Liberian flagged at Greek-owned vessel na Eleni P ang hinostage din ng mga pirata sa karagatan sakop ng Oman.

ABRIL

ELENI P

GENERAL ASSEMBLY INFORMAL MEETING

GULF OF ADEN

INDIAN OCEAN

MARSHALL ISLANDS

NEW YORK LIBRAN CABATULAN

OMAN

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with