Mga tauhan ng CHR ikakalat sa Mayo 10

MANILA, Philippines - Ikakalat ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga tauhan nito sa mga election “hot spots” sa  araw ng hala­ lan sa Mayo 10 upang subay­bayan ang posi­bilidad na dayaan sa mga lugar na ito.

Ayon kay CHR Chair Leila de Lima, sila ang unang mag-iingay sa araw ng halalan kapag naka­tanggap sila ng ulat na may malawakang dayaan sa tinaguriang mga election hot spots.

Anya, babantayan din ng kanyang mga tauhan ang posibilidad na pagka­karoon ng large-scale disenfranchisement sa araw ng halalan laluna ang paghawak ng balota na na-reject ng  automated coun­ting machines.

Gayunman, hihingi anya ng ayuda ang CHR sa pulisya para naman matiyak ang kaligtasan ng mga tauhan sa mga hot spots area.

Show comments