Local absentee voting, plantsado na - Comelec

MANILA, Philippines - Handang-handa na ang Commission on Elections (Comelec) sa ga­gawing local absentee voting na isasagawa nga­ yon hanggang sa kata­pusan ng buwan.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sar­miento, una sana nilang planong gawin ng mas maaga ang botohan ngu­nit dahil na rin sa kaka­pusan ng panahon kung kaya’t sa huling bahagi na la­mang ng Abril isasaka­tuparan ang nasabing pagboto.

Inaasahang makiki­bahagi dito ang halos 20,000 na mga miyembro ng pulisya, mga sundalo at guro.

Sinasabing higit kala­hati ang ibinaba ngayon ng mga absentee voters mula sa 50,000 noong 2007, patungong 19,700 na la­mang ngayong da­rating na halalan.

Inaasahan namang magdedeklara ng red alert ang PNP at AFP upang big­­yang daan ang absentee voting.

Karamihan kasi sa botohan ay gagawin sa mga kampo ng militar.

Kung maaalala, nag­pa­­patuloy naman ngayon ang overseas absentee voting na nagsimula no­ong Abril 10 at magtata­pos sa Mayo 10.

Show comments