Pulse Asia, SWS kinasuhan ni Gordon
MANILA, Philippines - Kinasuhan ni Presidential candidate Richard Gordon sa Quezon City Prosecutors Office ang pollsters na Pulse Asia at Social Weather Stations (SWS).
Sinabi ni Atty. Chito Diaz, abogado ni Gordon, na igigiit din nila sa korte na magpalabas ito ng temporary restraining order at writ of preliminary injunction upang hindi muna maka pagpalabas ng survey ang nabanggit na pollsters.
“If granted, the restraining order will mean survey results will not be released for the meantime. A hearing for a longer preliminary injunction will then be held,” pahayag ni Diaz.
Sa nagdaang pre-election surveys lumabas na si Gordon ay nakakuha lamang ng 2–3 percent voters’ preference na ikinairita umano ng kampo nito.
Sa panig ng Pulse Asia, dinepensa naman nito ang integridad ng kanilang pre-election surveys at nagsabing wala silang pinapaborang kandidato dito at ang hakbang ay bahagi lamang ng kanilang kalayaan na makakuha ng mga kaukulang impormasyon na may kinalaman sa halalan sa bansa.
“We’re non-partisan. We are an academic organization and our surveys are noncommissioned,” pahayag pa ni Pulse Asia President Ronald Holmes.
Humihingi si Gordon ng P650,00 danyos sa kasong sibil na naisampa sa Pulse Asia at SWS at ang naturang pondo ay ilalagak sa Phil. National Red Cross.
- Latest
- Trending