PET idinepensa ng OSG
BAGUIO CITY , Philippines - Ipinagtanggol kahapon ng Office of the Solicitor General (OSG) ang pagtatatag at patuloy na operasyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET).
Sa inihaing komento ng OSG sa Korte, pinaliwanag ni acting Solicitor General Alberto Agra na ang isyu kaugnay sa naunang petition na inihain ni election lawyer Romulo Macalintal ay naresolba na ng Korte Suprema.
Inihalimbawa ni Agra ang en banc decision ng SC kaugnay sa kaso ng “Lopez v Roxas” kung saan nakasaad na ang PET ay hindi mas mababa sa Korte Suprema dahil pareho lamang silang korte.
Nilinaw din ni Agra na siyang acting Justice Secretary na walang illegal sa pagtatalaga sa mga Mahistrado ng Korte Suprema na maging miyembro ng PET.
Naghain ng komento ang OSG dahil sa petition ni Macalintal na ideklarang labag sa batas ang pagkakatatag sa PET at malinaw na paglabag sa paragraph 7 section 4 ng Article VII ng Konstitusyon kung saan nakasaad na “the Supreme Court, sitting en banc,” and not any tribunal to be the “sole judge of all contests relating to the election, returns and qualifications of the President or Vice-President.”
- Latest
- Trending