MANILA, Philippines - Failure of automation at hindi failure of election ang posibleng mangyayari sa Mayo 10.
Ayon kay political analyst Mon Casiple, kailangan na mabigyan ng linaw ang dalawa dahil magkaibang isyu ang mga ito.
Sinabi ni Casiple na ang failure of election ay nangangahulugang walang magaganap na halalan habang failure of automation ay ang hindi paggana o paggamit ng mga equipment para sa automation.
Bagama’t malaki ang paninwala ni Casiple na magiging matagumpay ang automation election, sinabi nito na posibleng magkaroon ng failure of election sa mga lugar na may problema ang peace and order.