^

Bansa

8 lalawigan 'hotspots'

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Walo pang lalawigan ang tinukoy ng Philippine National Police (PNP) na kabilang sa mga election watchlist o hotspot na ma­susing babantayan ng mga awtoridad kaugnay ng halalan sa Mayo 10.

Tinukoy ni PNP Chief Di­rector General Jesus Verzosa ang mga lalawi­gan ng Quezon, Masbate, Iloilo, tatlong lalawigan sa Samar, Surigao at Davao.

Ayon kay Verzosa, sa kabuuang 500 election watchlist, 18 hanggang 17 lalawigan ang naklasipi­kang mga Areas of Immediate Concern tulad ng Maguindanao, Lanao del Sur, Sulu, Basilan, Nueva Ecija , Abra atbp.

Sa tala ng PNP, uma­abot sa 211.11 % ang ibi­naba ng mga Election Related Violent Incidents (ERVI) sa pag­sisimula ng election period kumpara noong 2007 national elections at 186.67 % naman itong mababa noong 2004 national elections.

Umaabot naman sa 71 ERVIs ang naitala ng PNP simula noong Enero 10 ng mag-umpisa ang election period kung saan 33 indi­bidwal ang nasawi, 31 ang nasugatan habang 45 ang nakaligtas sa insidente.

Kaugnay nito, sinabi ni Verzosa na posibleng tu­maas pa ang mga insi­dente ng ERVI lalo na sa local level habang palapit na ang halalan.  

ABRA

AREAS OF IMMEDIATE CONCERN

AYON

CHIEF DI

ELECTION RELATED VIOLENT INCIDENTS

GENERAL JESUS VERZOSA

NUEVA ECIJA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with