LTO walang plano sa RFID
MANILA, Philippines - Wala umanong plano ang Land Transportation Office na maipatupad ang kontrobersiyal na Radio Frequency Identification Device (RFID).
Ayon sa nagbabalik na si LTO Chief Alberto Suansing, Korte Suprema lamang ang magdedesisyon kung dapat pang ipatupad ng LTO ang naturang hakbang.
Pinahinto ng SC ang implementasyon ng RFID nang magsampa dito ng TRO ang Piston, Bayan Muna at Gabriela dahilan wala umano itong bidding at hindi aprubado ng NEDA.
Una nang lumabas sa mga report kung nakakatulong nga ba ang Stradcom, IT provider ng LTO sa pag-computerize ng mga records ng ahensiya, dahil mistulang nagsisilbi lamang umano itong daan para mairehistro ang mga karnap at smuggled na sasakyan
Ito ay nang madiskubre ng PNP Highway Patrol Group na may mga duplicate plates at duplicate registration ang mga dokumento ng iba’t ibang mga sasakyan na naiparerehistro sa LTO kahit ito ay nakaw at smuggled.
Ang bagay na ito umano ay dapat na ipaliwanag ng Stradcom dahil sa mga umano’y nagaganap na kambal na rehistro kung saan ang mga nakaw at smuggled na sasakyan ay sinasabing legal na nairerehistro at naipapasok sa sistema ng ahensiya.
- Latest
- Trending