Poll modernization gawing prayoridad
MANILA, Philippines - Pinanukala ni Liberal Party senatorial bet Alex “Pinoy” Lacson ang agarang modernisasyon ng prosesong pang-halalan sa ating bansa upang maproteksyunan ang mga karapatan sa ilalim ng demokrasya.
Sa isang kalatas, sinabi ni Lacson, awtor ng librong “12 Little
Things Every Filipino Can Do to Help our Country”, na dapat magsilbing aral ang nagaganap ngayon sa Comelec at sa Smartmatic-TIM na kung saan ay kitang-kita ang kawalan ng preparasyon para sa implementasyon ng kauna-unahang poll automation sa Pilipinas.
“Hindi natatapos sa May 10 elections ang poll modernization,“ ayon kay Lacson, “ Kailangang ipagpatuloy ng susunod na gobyerno ang modernisasyon upang maiwasan ang kalituhan, duda at pagkabalam na karaniwan nang nagaganap kada halalan.”
Nagbabala si Lacson na kung walang agenda sa poll automation, posibleng maganap uli sa ating bansa ang mga kamalian natin noon pa.
- Latest
- Trending