DOH nagbabala vs tetanus, heat stroke
MANILA, Philippines - Nagbabala ang Departmet of Health (DOH) sa mga magpepenitensiya partikular na ang mga magpapapako sa krus at mga magpapapalo sa likod na magpaturok muna ng anti-tetanus upang maiwasan ang tetano.
Ayon kay Dr. Eric Tayag, chief ng National Epidemiology ng DOH, walang katiyakan na ligtas ang mga pakong gagamitin ng mga magpapapako sa krus bilang bahagi ng kanilang penitensiya kung kaya’t makakabuti na magpasaksak muna ng anti-tetanus.
Gayundin ang mga gamit na ihahampas sa kanilang mga likuran ay dapat na ligtas upang maiwasan ang anumang insidente.
Kasabay nito, pinayuhan din ni Tayag ang mga matatanda na huwag magbilad sa init ng araw upang maiwasan ang heat stroke. Mas makabubuti kung iinom ng maraming tubig.
Iwasan na ring sumama sa mga penitenial walk kung hindi kaya ng katawan. (Doris Franche)
- Latest
- Trending