^

Bansa

Kandidato 'pinatay' sa text

-

MANILA, Philippines - Ibinunyag ng civic leader na si Al Mendoza na gumagamit na ng iba’t-ibang uri ng black propaganda at maruming pulitika ang kanyang mga kalaban sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito ng Zambales.

Sa isang media forum sa Maynila, sinabi ni Mendoza na may kumalat na “text message’ sa Zambales noong nakalipas na linggo na nagsasabing inambus siya at napatay pero wala namang katotohanan dahil buhay na buhay siya at patuloy na tumutulong sa mga residente ng Zambales.

Ayon kay Mendoza, si Vice Mayor Julius Bada ng Cabangan, Zambales ang unang nakatanggap ng ‘text message’ at nagbalita sa kanya hinggil sa pekeng ambush.

Nagsimula ang paninira kay Mendoza mula nang lumabas ang iba’t-ibang survey na siya ang nangunguna sa tatlong kumakandidato ngayon bilang kongresista ng ikalawang distrito.

Si Mendoza ng partidong Lakas-Kampi-CMD ay pinarangalan din kamakailan ng local media sa Central Luzon, bilang natatanging ‘private sector’ dahil sa pagiging matulungin. (Mer Layson)

AL MENDOZA

AYON

CABANGAN

CENTRAL LUZON

IBINUNYAG

LAKAS-KAMPI

MENDOZA

MER LAYSON

SI MENDOZA

VICE MAYOR JULIUS BADA

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with