^

Bansa

Graft vs ex-Justice Tinga isinampa

-

MANILA, Philippines - Sinampahan kahapon ng kasong graft sa Office of the Ombudsman si dating Supreme Court (SC) Associate Justice Dante Tinga kaugnay sa ‘land grabbing’ noong ito ay kongresista pa lamang sa Taguig.

Base sa 7-pahinang reklamo ni Jovito Olazo, nilabag umano ni Tinga ang Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act nang pilitin at impluwensyahan nito ang kanyang ama na si Miguel Olazo na ibenta ang kanilang lupa na may sukat na 5,000 sqm. sa Barangay Lower Bicutan, Taguig. Nais ni Olazo na maibalik sa kanilang pamilya ang lupain.

Binayaran pa umano ni Tinga ang kanyang ama ng mahigit 500 libong piso kapalit ng paghahabol nito sa pagmamay-ari ng lupa kung saan ang ginamit nitong resibo ay ang kanyang letterhead bilang kongresista.

Isa umanong Jeffrey Rodriguez ng 1436 Pampanga St., Sta Cruz, Maynila ang nautusan para sa pag-angkin ng lupa ng pamilya Olazo.

Personal pa umano siyang inalok ni Tinga na babayaran na lang ng 50 libong piso upang iurong ang Sales Application nito sa DENR para sa pagmamay-ari ng nasabing lupain sa ilalim ng proclamation no. 172 na ipinalabas ni dating Pangulong Cory Aquino noong 1987.

Tinakot pa umano siya ni Tinga na mahihirapan lang siyang patituluhan ang nasabing lupa bukod pa sa kasong posibleng kakaharapin nito sa korte.

Bukod sa nasabing kaso, magsasampa din ng disbarment case si Olazo sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang matanggalan ng lisensya sa pagka-abogado si Tinga na kasalukuyang kumakandidato ngayon bilang Mayor ng Taguig. (Gemma Garcia/Mer Layson)

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ASSOCIATE JUSTICE DANTE TINGA

BARANGAY LOWER BICUTAN

GEMMA GARCIA

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JEFFREY RODRIGUEZ

JOVITO OLAZO

OLAZO

TAGUIG

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with