^

Bansa

BOC executive kinasuhan sa ill-gotten wealth

-

MANILA, Philippines - Isang mataas na opisyal ng Bureau of Customs ang kinasuhan sa Ombudsman dahil sa umanoy kwes­tiyunableng yaman nito na hindi angkop sa kanyang sweldo.

Mga kasong kriminal at administratibo ang isinam­pang kaso laban kay Atty. Rico Rey Francis Holganza, hepe ng Customs Intelligence and Investigation Service at dati ring konsehal ng Cebu City.

Base sa 5 pahinang rek­lamo ng negosyanteng si Hans Ernest Tan Aparice III, nadis­­kubre nito na si Holganza ay may­­roong hindi maipaliwanag na yaman sa ka­bila ng monthly salary nito na P14,000 at annual salary ng P168,000 bilang Legal Officer II ng BOC.

Nakasaad pa sa reklamo nito na mayroon ding mga ari-arian si Holganza kabilang dito ang 800-square meter mansion sa No. 6 Sparrow St., Santo Ninoy Village, Barangay Banilad, Cebu City at iba pang personal na pag-aari tulad ng cargo trucks, luxury vehicles tulad ng Hyundai Starex van at Honda CRV.

Nakapangalan umano ang mga ari-arian ni Hol­ganza sa mga kapatid at kamag-anak nito upang hindi madiskubre ng Ombudsman at iba pang ahensiya ng gobyerno.

BARANGAY BANILAD

BUREAU OF CUSTOMS

CEBU CITY

CUSTOMS INTELLIGENCE AND INVESTIGATION SERVICE

HANS ERNEST TAN APARICE

HOLGANZA

HYUNDAI STAREX

LEGAL OFFICER

RICO REY FRANCIS HOLGANZA

SANTO NINOY VILLAGE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with