SC justice nagsampa ng libel
MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong libelo sa Manila Prosecutors Office ng isang Mahistrado ng Korte Suprema ang isang mamamahayag ng isang on-line news agency dahil sa umano’y pagsira sa kayang reputasyon at sa kanyang pamilya.
Si Marties Danguilan-Vitug ay sinampahan ng kasong libelo ni Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco dahil sa artikulo nitong “SC Justice in Partisan Politices” na naka-post sa website na ABS-CBNNews.com/Newsbreak sa loob ng 13 araw simula noong December 3, 2009.
Sa complaint affidavit ni Justice Velasco sa Manila Prosecutors Office sa isinulat na artikulo ni Vitug, pinalalabas umano nito na “unethical person at walang delicadeza” ang Mahistrado dahil sa paglabag nito sa Code of Judicial Conduct and existing laws.
Sa nasabing artikulo umano ay mayroong malaking papel si Justice Velasco sa kandidatura ng kanyang anak na tatakbo sa Kongreso bilang kinatawan ng Marinduque na mariin naman nitong pinabulaanan.
Nakasaad pa sa artikulo ni Vitug na kabilang si Justice Velasco kasama ang mayorya sa desisyon sa SC na pumayag na manatili sa puwesto ang mga appointive officials matapos na maghain ng kanilang certificate of candidacy na sa bandang huli ay binaligtad ng Mataas na hukuman at naging final and executory.
Nilinaw din ng Mahistrado na kaagad nag-resign ang kanyang anak bilang provincial administrator ng maghain ito ng kanyang COCs noong Dec. 1,2009 kayat malinaw umano na may malisya ang isinulat ni Vitug. (Gemma Garcia/Doris Franche)
- Latest
- Trending