^

Bansa

Sa pagkamatay ni Boy Mayor, Seguridad ni Jun Lozada dinoble

-

MANILA, Philippines - Makaraang patayin ang whistleblower na si Wilfredo “Boy” Mayor, dinoble naman ng Association of Major Religious Superior of the Philippines Chairperson (AMRSP) ang seguridad kay ZTE-NBN star witness Rodolfo ‘Jun’ Lozada.

Ayon kay Sister Mary John Mananzan ng AMRSP, nababahala sila sa nangyayari ngayon lalo pa’t may report na si Lozada na lamang ang witness na nabu­buhay.

“Yung sa Esperat, yung kay Jocjoc, tapos yung sa jueteng. So we are restricted in the security now,” ani Mananzan.

Ipinaliwanag ni Ma­nanzan na binawasan noon ang seguridad ni Lo­zada bagama’t dinag­dagan ang mga armas para sa proteksiyon nito.

Kumuha umano ang AMRSP ng mga volunteer na magbabantay kay Lozada at nilimitahan rin nila ang mga hindi maha­halagang lakad nito.

Nabatid kay Manan­zan na bagama’t may takot si Lozada sa mga posibleng mangyari, tina­tanggap naman niya kung ito aniya ang kanyang ka­palaran.

Samantala, nagpa­hayag naman ng panini­wala si Mananzan na dahil sa mga pagpatay sa mga testigo ay marami ang nadi-discourage nang lumutang upang magbun­yag ng kanilang mga nala­lamang anomalya.

Dismayado rin ito dahil wala aniyang protection program na ipinatutupad ang pa­mahalaan laban sa mga testigo, lalo na’t ang ano­malyang ibinubunyag ng mga ito ay laban mismo sa mga government officials.

Ayon kay Mananzan, mas mabuti pa nga kung mga non-government organization (NGO) na lamang na tulad nila ang magka­kanlong o magiging san­ktuwaryo ng mga tes­tigo dahil higit pang may pag­mamalasakit sila sa mga ito.

Kadalasan uma­nong nangyayari na ang pa­ma­halaan pa ang siyang banta sa seguridad ng isang saksi. (Doris Franche)

ASSOCIATION OF MAJOR RELIGIOUS SUPERIOR OF THE PHILIPPINES CHAIRPERSON

AYON

DISMAYADO

DORIS FRANCHE

ESPERAT

LOZADA

MANANZAN

SHY

SISTER MARY JOHN MANANZAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with