^

Bansa

Mendoza mananatili sa puwesto - Supreme Court

-

MANILA, Philippines - Mananatili pa rin sa pwesto bilang Gobernador ng Bulacan si Joselito “Jon-Jon” Mendoza.

Ito ay matapos na magpalabas ng Status Quo Ante-order ang Supreme Court (SC) en banc kung saan nakakuha ito ng unanimous vote buhat sa mga Mahistrado.

Ayon kay SC spokesman at Court Administrator Atty. Midas Marquez, iiral ang staus quo sa loob ng 7-araw kayat nangangahulugan umano ito na mana­natili pa rin si Mendoza.

Inaasahan namang dedesisyunan ang kaso sa March 16 subalit kung mabigo naman na makapagpalabas ng desisyon ay iaanunsiyo naman ng Korte Suprema kung ipagpapatuloy ang Status Quo Ante-order.

Matatandaan na nagpasaklolo kahapon sa SC si Mendoza matapos na maghain ng supplemental petitions si Atty. Sixto Brillantes na humihiling na magpa­labas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Kor­te Suprema upang pigilan ang Comelec na maiupo sa pwesto si Pagdanganan. (Gemma Garcia)

AYON

COURT ADMINISTRATOR ATTY

GEMMA GARCIA

KORTE SUPREMA

MENDOZA

MIDAS MARQUEZ

SIXTO BRILLANTES

STATUS QUO ANTE

SUPREME COURT

TEMPORARY RESTRAINING ORDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with