^

Bansa

PCSO GM Robles, na-promote bilang PCGA Rear Admiral

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Na-promote si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades A. Robles bilang Rear Admiral ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) mula sa dati niyang ranggong Auxiliary Commodore sa isang seremonyang ginanap sa Philippine Coast Guard Headquarters.

Inilarawan ni Robles ang promosyon bilang isang pagkakataon upang higit pang mapalakas ang kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa publiko.

Ayon sa kanya, ang tunay na serbisyo publiko ay ang pagi­ging handang tumulong sa oras ng ­pangangailangan at ang paghahanap ng mga paraan upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

“For me, public service is about being present when people need help. It is about finding ways to respond to their needs and making sure that the assistance reaches those who need it,” ani Robles.

Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel ng Philippine Coast Guard bilang katuwang ng PCSO sa paghahatid ng tulong at mga suplay sa mga nangangailangan, lalo na sa panahon ng kalamidad at iba pang emergency.

Sa kanyang acceptance speech, ­nangako si Robles na patuloy na makikipagtulungan sa kapwa niya mga opisyal at miyembro ng PCGA upang mas mapalawak pa ang serbisyong naihahatid sa publiko.

“Because at the end of the day, our positions, titles, and ranks are meaningful only when we use them to serve others,” aniya.

PCGA

PCSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with