1,268 gun ban violators huli

MANILA, Philippines - Umakyat na sa 1,268 ang bilang ng mga gun ban violators na naaresto ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar sa mga checkpoints na inilatag sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kaugnay ng pambansang halalan sa Mayo 10.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Leonardo Espina, karagdagang 13 pa ang nasakote kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw, isa rito ay empleyado ng gobyerno at 12 naman ang sibilyan.

Nakasamsam rin ng 10 armas, tatlo rito ay ma­tataas na kalibre ng mga baril at 70 ang mababang kalibre. Isa ang nakuhanan ng gun replica at tatlong patalim.

Sa kasalukuyan, aabot na sa 1,109 ang mga nasakoteng sibilyan habang 59 ay mga empleyado ng pamahalaan. (Joy Cantos)

Show comments