Dagdag na police visibility hingi sa Maynila
MANILA, Philippines - Hiniling ng mga punong-barangay ng Maynila kay National Capital Region Police Office Director Roberto Rosales na magkaroon ng karagdagang police visibility at intervention sa lungsod matapos na ilang residente ang ginigipit umano ng mga kawani ng City Hall.
Nakalagda sa liham na ipinadala kay Rosales ang mga punong barangay na sina Violeta Candelaria ng Dist. 1, Brgy. 8, Zone 1; Jorge Limqueco ng Dist. 4, Brgy. 489, Zone 48; Veronica Buenaventura ng Dist. 2, Brgy. 156, Zone 14, Virginia Eliza ng Dist. 5, Brgy. 704, Zone 77, Danilo C. Aquino ng Dist. 3, Brgy. 385, Zone 19, at; Francisco Blanco ng Dist. 6, Brgy. 507, Zone 69
Ayon sa kanila, pinag-iinitan ng mga tao ng City Hall ang mga sumusuporta sa kandidatura ng nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Jose “Lito” Atienza Jr.
Idinagdag nilang ang mga DPS employees ng City Hall ay nag-iikot-ikot maging sa loob ng bakuran ng mga residente at binabaklas ang mga information materials ni Atienza.
Mayroon din umanong mga namataang mga kalalakihang sakay ng motorsiklo na iniikutan ang mga supporter ni Atienza at may ilan nang nakatanggap ng banta sa kanilang buhay.
- Latest
- Trending