Joey iniindorso ng Magdalo at RAM-YOU

MANILA, Philippines - Nakopo ni Pwersa ng Masang Pilipino senatorial candidate Joey de Venecia III ang solidong suporta ng mga grupong Magdalo at RAM-YOU.

Inindorso ng naturang mga grupo ng sundalo si de Venecia na labis namang ikinatuwa ng IT businessman at whistleblower sa kontrobersyal na ZTE-national broadband network deal.

Personal na dinalaw at pinasalamatan ni de Venecia ang lider ng Magdalo na si Sen. Antonio Trillanes IV sa Kampo Aguinaldo.

Isa pang grupo ng mga dating miembro ng Sandatahang Lakas na pinamumunuan ni Senador Gregorio Honasan at kanilang mga pamilya ang nagpahayag na rin ng suporta kay de Venecia.

Pinasalamatan din ni De Venecia si Honasan at ang grupo nito at nangakong itutuloy ang mga pagbubunyag sa katiwalian sa pamahalaan gaya ng mga naunang ginawa ng RAM-YOU.

Bukod sa suporta sa military ay nais din ng batang de Venecia na pag-ibayuhin ang Information Technology sa bansa. (Butch Quejada)

Show comments