1-Utak umalma

MANILA, Philippines - Sinungaling umano ang Pinagkaisang Sama­han ng Transport at Operator Nationwide (PISTON) matapos na akusahan nito ang United Transport Koalisyon (1 UTAK) party list na nakikipagsabwatan umano ito sa tatlong malalaking kumpanya ng langis kaya’t wala itong ginagawa para sa kapaka­nan ng mga tsuper, operator at pasahero ng mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay 1 UTAK secretary general Bren Sa­yasa II, walang katotoha­nan ang bintang ni George San Mateo at simula ng maluklok sila sa Kongreso ay sunod-sunod na House Bills at Resolutions na ang kanilang inihain kung saan ilan dito ay ang pagbusisi ng fair pricing sa mga produktong petrolyo.

Giit ni Sayasa, pinaga­ganda nila ang kumpe­tisyon sa bentahan ng la­ngis para hindi naman ma­agrabyado ang mga maliliit na players ng produk­tong petrolyo kung kaya’t hindi totoo ang sabwatan.

Show comments