Bagong IT fee binira
MANILA, Philippines - Ibinunyag ng Private Emission Test Center-IT providers ang planong pagsingil ng Land Transportation Office at ng Stradcom company ng halagang P40 Milyon bilang IT fee ng mga pampasaherong sasakyan na nagparehistro sa LTO mula taong 2007 hanggang 2009.
Sa isang transport consultation sa Quezon City, sinabi ng mga PETC IT providers na RDMS, ETCit, Eurolink at Cyberlink na walang legal basis para singilin sila ng stradcom gayung mula taong 2007 ay may kasunduan ang LTO at Petc It providers na ilibre sa IT fee ang mga pampasaherong sasakyan.
Isa ding anilang panggigipit ang ginagawa sa kanila ng Stradcom at LTO dahilan sa binigyan sila ng Stradcom na magbayad ng P40 milyon hanggang Marso 1, 2010 kundi ay puputulin ang kanilang sistema sa LTO. Hininala ng grupo na naniningil na ngayon ang LTO at Stradcom ng IT fee na dati ay libre upang ang naturang pondo ay ipambabayad ng stradcom sa RFID refund. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending