^

Bansa

Itinataon sa El Niño: Probe sa power rate ipinauubaya sa ERB

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Ipapaubaya ng Malacañang sa Energy Regulatory Board ang ibinun­yag ni Albay Gov. Joey Salceda na posibleng may manipulasyon sa presyuhan ng kuryente sa gitna ng El Niño.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Ricardo Saludo, hahayaan nilang mag-imbestiga ang ERC dahil ito ang may kapangyarihan sa isyu ng kuryente.

Dapat aniyang silipin ang akusasyon na nagkakaroon ng manipulasyon sa presyo ng kuryente lalo pa’t kinakaharap ng bansa ang problema tagtuyot.

Ipinunto ni Saludo na isa namang independent body ang ERC at siguradong kikilos kaagad ito.

Nauna rito, pinaiim­bestigahan ni Salceda,  isa sa mga economic advisers ni Pangulong Gloria Arroyo, ang diumano’y nangyayaring  manipulasyon sa presyuhan ng kuryente.

Nais ipasilip ni Salceda ang mga hydro-electric power dams at ang diumano’y manipulasyon sa  presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Stock Market.

Mahalaga aniyang mabantayan ang presyo ng kuryente lalo pa at pumapasok na ang tag-tuyot.

ALBAY GOV

AYON

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESMAN RICARDO SALUDO

EL NI

ENERGY REGULATORY BOARD

JOEY SALCEDA

PANGULONG GLORIA ARROYO

SALCEDA

WHOLESALE ELECTRICITY STOCK MARKET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with