MANILA, Philippines - Walang nilalabag na batas ang mga presidential candidate na gumastos ng P2 bilyon para sa kanilang polical ads bago ang campaign period.
Ito ang binigyan-diin ni Commission on Elections (Comelec) Law Department head Atty. Ferdinand Rafa nan sa ulat na anim na presidential candidates ang sinasabing pumalo na sa mahigit P2 bilyon ang ginastos sa mga political advertisement bago pa nagsimula ang opisyal na kampanya.
Ayon kay Rafanan, batay sa mga naunang ‘rulings’ o desisyon ng Korte Suprema, lumilitaw na burado na ang lahat ng inaakala ng publiko na paglabag ng mga kandidato kaugnay ng overspending sa kampanya.
Paliwanag ni Rafanan, wala kasing bisa ang anumang election offense bago ang Pebrero 9, 2010.
Nangangahulugan lamang na maaaring magpataw ng parusa kung may paglabag mula Pebrero 9 hanggang sa mag-eleksyon. (Doris Franche)