Tinyente sa Erap CD inabsuwelto
MANILA, Philippines - Pinawalang-sala na ng General Court Martial ng Armed Forces of the Philippines ang isang Marine Lieutenant na nilitis kaugnay ng pamamahagi ng compact discs ng pinatalsik na si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada noong 2006.
Ayon kay Navy Spokesman Lt. Col. Edgard Arevalo, si Marine Lt. Artemio Raymundo ay napatunayang ‘not guilty’ sa dalawa sa tatlong kaso ng paglabag sa Articles of War.
Sa kabila nito, sinabi ni Arevalo na si Raymundo ay nahaharap pa rin sa paglabag sa AW 64 o ang disrespect to superior officer sa pamamahagi ng biopic ni Erap na pinamagatang ‘Ang Mabuhay Para sa Masa” na rated X sa Movie and Television Review and Classification Board noong 2006. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending