Pinoy sekyu sa US kinatay

MANILA, Philippines - Hindi na nakauwi ng buhay sa Pilipinas ang isang Pinoy security guard matapos na tadtarin ng saksak ng isang 34-anyos na Amerikano sa California, USA.

Inakala ng mga otoridad na biktima ng hit-and-run si Angelito Erasquin, ngunit ng siyasatin ay nadiskubreng tadtad ng tama ng patalim ang katawan nito.

Bukod kay Erasquin, natagpuan ding patay sa nasabing lugar ang kasamahan nitong truck driver na nakilalang si James Whitman, 53-anyos.

Nadakip naman sa isang follow-up operation ng California Police ang suspect na si Karl George Sanft ng Union City mula sa hideout nito sa Sunvalle, California. Nakapiit ngayon ang suspek na si Sanft sa Sta. Rita Jail sa Dublin at isinasailalim sa imbestigasyon upang matukoy ang tunay na motibo sa pagpatay sa biktima.

Nakatakda ng mag­retiro sa pagtatrabaho ang biktima at plano na nitong umuwi sa bansa sa darating na Mayo. (Ellen Fernando)

Show comments