Puganteng Kano pinatapon para malitis sa US
MANILA, Philippines - Ipinatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Amerikano na wanted sa kanilang bansa dahil sa ibat-ibang kasong kriminal na kinakaharap nito.
Sa ulat ni BI deportation unit head Antonio Rivera kay Commissioner Marcelino Libanan, kinilala nito ang suspek na si Jeffrey Tye Brown, 49, na pinatapon palabas ng bansa sakay sa Philippine Airlines flight patungong Los Angeles.
Ang pagpapatalsik kay Brown ay base sa deportation order na inisyu ng Board of Commissioners kasabay na rin ng paglalagay dito sa immigration blacklist at tuluyang pagbabawal na makapasok sa Pilipinas.
Ayon naman kay Atty. Floro Balato Jr. spokesman ng BI, si Brown ay overstayin na rin sa bansa ng arestuhin ito at undocumented alien matapos na ikansela ng US government ang pasaporte nito.
Ang pag-aresto kay Brown ay bunsod sa kahili ngan ng US embassy sa Maynila na siyang nagbigay ng impormasyon sa BI tungkol sa criminal record nito.
Si Brown ay wanted sa Nevada dahil sa mga kasong theft, forgery at iba pa kayat mayroon itong warrant of arrest na inisyu ng Nevada district court noong Abril 23, 2008 matapos na mapag alamang tumakas na ito.
Idinagdag pa ni Balato na ang Amerikano ay nasa wanted list ng BI dalawang taon na ang nakakaraan subalit nakatakas ito ng salakayin ang kanyang hideout sa Ermita, Manila noong June 2008.
Noong Disyembre lamang ng nakaraan taon ng makatanggap ng tip ang BI-Interpol na si Brown ay nagtatago sa Dumaguete City kayat mabilis itong naaresto. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending