^

Bansa

C-5 report minaniobra - Villar

-

MANILA, Philippines - Rumesbak si Senador Manny Villar sa ibang presidentiable na nagmaniobra umano sa committee report sa C-5 Road Extension Project na napapa­kinabangan ng mahigit anim na milyong residente sa Kamaynilaan.

Sa pahayag ni Villar, walang napatunayan ang Senate Committee of the Whole sa sinasabing double insertion at realignment ng C-5 Road Extension Project dahil mismong testigo ng naturang mga presidentiable ang nagsasabing walang anomalya.

Pinatunayan din noon ni Senate President Juan Ponce Enrile na walang double insertion sa proyekto sa isinagawang imbestigasyon ng Senate Committee on Finance sa isyu na kanyang pinamumunuan.

“Nasagot ko na lahat ito. Mismong si Yolly Doblon ng LBRMO ang witness na sinubpoena nila, nagsabi na walang double insertion. Kaya nagtataka ako kung bakit nang lumabas ang report ay hindi nabanggit iyon,” paliwanag ni Villar na isang batang Tondo.

“Lahat ng witness na ipinatawag nila, wala ni isa ang nagsabi na ako ay may kasalanan. Sinabi ni Engr, Roberto Lala ng DPWH na walang realignment, definitely, pati si Mrs Carmelita. Bacod ng BIR, sinabi definitely na walang overprice,” diin ni Villar.

Sinabi pa ni Villar na talagang minaniobra lamang ng ilang presidentiable ang committee report upang sirain ang kanyang pangalan dahil hindi nila isinali ang testimonya ng mga testigo nila na nagsasabing walang anomalya.

“Kapag tiningnan mo ang mga bumoto ng laban sa akin, sila ang mga miyembro ng Liberal Party, Pwersa ng Masa na mga kalaban naman natin sa pulitika sa pagkapangulo at mga dating pangulo sa pagkapangulo. Maliwanag naman talaga na bias lahat, pero nililiwanag ko lang na malaking kasinungalingan ang lahat ng iyan,” dagdag pa niya. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

LIBERAL PARTY

MRS CARMELITA

ROAD EXTENSION PROJECT

ROBERTO LALA

SENADOR MANNY VILLAR

SENATE COMMITTEE

SENATE COMMITTEE OF THE WHOLE

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with