Mura at malinis na gasolina kailangan ng RP
MANILA, Philippines - Sinabi ni Nacionalista Party senatorial bet Ramon “Monmon” Mitra na kailangan ng Pilipinas ng malinis at murang alternatibong gasolina upang mabawasan ang pag-angkat nito.
“Dapat magamit nang lubos ang geothermal, solar at iba pang enerhiya,” wika ni Mitra, direktor ng Philippine National Oil Co. at PNOC Exploration Co. at anak ng yumaong House Speaker Ramon Mitra Jr.
Ipinaliwanag niya na ang pag-angkat ng gasolina at coal ang siyang dahilan kung bakit mahal ang singil sa kuryente.
Sa isyu ng political dynasty, sinabi ni Mitra na ang mga Pilipino ay dapat bigyan ng pagkakataon na pumili ng kanilang mga lider.
“Kesyo may pangalan, hindi na puwedeng tumakbo? Unfair ‘yan sa taumbayan,” wika niya.
Si Mitra, 45, ay isang dating marine officer at graduate ng Philippine Military Academy noong 1988. Siya ay tumanggap ng Distinguished Conduct Star, ang ikalawang pinakamataas na parangal.
- Latest
- Trending