^

Bansa

Muslim at Kristiyano nagbuklod kay Bro. Eddie

-

MANILA, Philippines - Solidong nagkaisa para suportahan ang kandidatura ni Bangon Pilipinas Presidential bet Eddie Villanueva ang iba-ibang sekta ng Kristiyano pati na ang tatlong tribong Muslim mula sa Mindanao.

Mangiyakngiyak na pinasalamatan ni Bro., Eddie ang Muslim united front na nakiisa sa mga Kristiyano para suportahan siya. “For the love of country, they have united to advance new politics,” Ani Bro. Eddie sa isang pagtitipong ginanap sa Clark, Pampanga nitong nakaraang linggo.

Ayon sa mga religious leaders, nagawa ng Bangon Pilipinas ang tinatawag na “unity beyond rhetorics” na hindi nagawa ng ibang partido para tiyakin ang panalo ng kani-kanilang pambato.

Sa kanilang paghahayag ng suporta kamakailan, nagkaisa ang mga leader Kristiyano at Muslim na naniniwala silang may mabisang pormula si Bro. Eddie lalu na sa paglutas sa malaon nang problema sa Mindanao.

“Bro. Eddie is for genuine reforms” anang tatlong major tribes sa Mindanao na kinabibilangan ng Maguindanaon, Tausug, Maranaw. Ang mga grupo ay pinangunahan ni Aleem Naguib Taher, pinuno ng Ulama Philippines. Sila ay nakipagbukluran sa kowalisyon ng mga Born Again Churches kasama ang Baptist Churches, Pentecostal Churches at Seventh Day Adventists upang siguruhin ang pagwawagi ni Bro. Eddie sa 2010 elections.

ALEEM NAGUIB TAHER

ANI BRO

BANGON PILIPINAS

BANGON PILIPINAS PRESIDENTIAL

BAPTIST CHURCHES

BORN AGAIN CHURCHES

EDDIE

KRISTIYANO

MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with