^

Bansa

Hayden nagpiyansa

-

MANILA, Philippines - Personal na nagtungo sa Pasig City Regional Trial Court ang kontrobersyal na doktor na si Hayden Kho kung saan naglagak siya ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan sa kinakaharap na kasong kriminal na isinampa laban sa kanya ng aktres at dati niyang lover na si Katrina Halili.

Kasama ang kanyang abogado, nagtungo si Kho sa Pasig RTC branch 159 at nagbayad ng P20,000 piyansa para sa kasong Republic Act 9262 o “Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004”.

“Nagagalak kami na naglagak na ng piyansa si Hayden. Hinihintay naming mabasahan na siya ng sakdal sa Pebrero 23. Uusigin namin ang kaso hanggang sa maipakulong si Hayden dahil sa kanyang ginawang krimen,” sabi ng abogado ni Katrina na si Raymund Palad.

Inireklamo ni Halili si Kho dahil sa pagkalat sa internet ng kanilang sex video.

Sinabi pa ni Palad na kung totoong nagsisisi si Kho sa kanyang nagawa, dapat umanong mag-plead ito na “guilty” upang makatipid ang korte at ang magkabilang panig ng oras. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN

CHILDREN ACT

DANILO GARCIA

HAYDEN

HAYDEN KHO

KATRINA HALILI

KHO

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

RAYMUND PALAD

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with