^

Bansa

Diin ni Verzosa: PNP 'di pampulitika

-

MANILA, Philippines - Mariiing sinabi ni Philippine National Police Chief Director Gen. Jesus Verzosa na hindi niya papayagan na magamit ang PNP ng mga pulitiko para sa kanilang pan­­sariling interes sa nala­lapit na eleksiyon sa Mayo.

“Ang PNP ay manana­tiling magsisilbi para sa publiko at hindi sa mga pulitiko,” wika ni Versoza.

Sinabi niya na ang elek­siyon ay magiging isang hamon sa liderato ng PNP na maging isang ahensiyang walang kinikilingan sa kabila ng mga plano ng mga kan­didato bago at pagkatapos ng eleksiyon.

Aniya, ang mga opisyal ng PNP at Armed Forces of the Philippines ay makiki­pag-usap sa Commission on Elections ngayong linggo upang talakayin ang mga hakbang para sa isang ka­sunduan na magbibigay sa dalawang ahensiya ng mas malaking gagampa­nang tung­kulin sa darating na eleksiyon.

ANIYA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DIRECTOR GEN

JESUS VERZOSA

MARIIING

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF

SHY

SINABI

VERSOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with