Aplikasyon ng WW2 veterans tinaningan
MANILA, Philippines - Hinimok kahapon ni United States Ambassador Kristie Kenney ang mga Filipino World War II veterans na huwag nang paabutin pa sa deadline ang paghahain nila ng aplikasyon pasa sa lump-sum payment na nagkakahalaga ng $9,000 para sa mga Filipino citizens at $15,000 para sa mga US citizens.
Ipinaliwanag ni Kenney na kahit may 6 na linggo pa bago ang deadline, mas mabuting makapaghain na ang mga beterano upang makatiyak na hindi magkaka-aberya dahil wala nang ibibigay na palugit sa paghahain ng aplikasyon matapos ang Pebrero 16, 2010 deadline.
Ang lump-sum ay one-time payment na benepisyo ng mga beternao sa ilalim ng American Recovery and Reinvestment Act of 2009.
Maaring makakuha ng application forms sa US Embassy, Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City, at sa 13 Philippine Veterans Affairs Offices (PVAO) sa bansa.
Kung magsusumite na ng aplikasyon, maaring personal o ipadala sa US Department of Veterans Affairs, sa 1131 Roxas Blvd., 0930 Manila, Philippines. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending