2 commando ng Navy pinarangalan

MANILA, Philippines - Pinarangalan nitong Biyernes ng Philippine Navy ang labi ng dala­wang bayaning commandos na nagbuwis ng buhay sa pakikipag-eng­ku­wentro sa nagsanib-puwersang mga bandi­dong Abu Sayyaf at rogue Moro Islamic Liberation Front sa Basilan kama­kailan.

Ayon kay Navy Spokes­­man Marine Lt. Col. Edgard Arevalo, ang bangkay nina Lt. Christopher Pantaleon ng Philippine Military Aca­demy (PMA Class 2004) at Petty Officer 3rd Class Almario Manalili ay du­mating dakong alas-2:00 ng hapon kamaka­lawa sa Villamor Air Base sa Pa­ say City galing sa Zam­boanga City.

Pinangunahan naman ni Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Ferdinand Golez ang pagkakaloob ng ceremonial honors sa dalawang bayaning Navy commandos na ginanap sa Naval Station Rudiarto Brown sa Naval Station Jose Francisco sa Taguig City kahapon ng umaga.

Naka-half mast na­man ang lahat ng Naval Stations sa buong bansa bilang pagluluksa sa pagpanaw ng dala­wang Navy commandos. (Joy Cantos)

Show comments