MANILA, Philippines - Halos magkasabay na na-hijack ng mga pi rata ang dalawang barkong pangkargamentong kinalululanan ng 21 Pilipinong seaman sa ka ragatan ng Sychelles sa Gulf of Eden sa Somalia noong Disyembre 28.
Sa unang ipinalabas na report ng European Union Naval Force Somalia, ang MV Navios Apollon ay hinarang ng mga armadong pirata sakay ang 19 crew na kinabibilangan ng isang Greek at 18 Pilipino.
Nabatid na patungo ang nasabing barko sa Thailand nang mapadaan sa nasabing bahagi ng karagatan na pinamumugaran ng mga pirata.
Sa isinagawang pagmomonitor ng EU Naval force, namataan ang hinayjack na barko sa hilagang bahagi ng Seychelles patungong Somali coast.
Kasabay nito, hinayjack din ang UK-flagged chemical tanker na MV St. James Park na may sakay na 26 crew kabilang ang tatlong Pinoy seamen.
Ayon sa report, ang MV St. James Park na pag-aari ng PHilbox Limited ay hinayjack sa Gulf of Aden habang naglalayag sa International Recognized Transit Corridor.
Ang nasabing barko ay nakapagpadala pa ng distress message at agad nagresponde ang isang warship mula sa Task Force 151 upang makontak ito matapos ang pangha-hijack.
Umalis ang nasabing barko mula sa Spain at patungo sa Thailand nang masabat ng mga pirata sa Gulf of Aden. (Ellen Fernando)