^

Bansa

OFWs dadami pa sa 2010

-

MANILA, Philippines - Naniniwala si Maasin Bishop Precioso Cantillas chairman  ng Catholic Bishops Conference of the Philippines- Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People na mas dadami pa ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa taong 2010 dahil marami pa rin ang maghahangad ng maginhawang buhay kaya makikipag­ sapalaran sa ibang bansa para sa kinabukasan ng kanilang mga pamilya.

Aminado naman si Cantillas na walang magawa ang simbahan na pigilan ang mga Pilipino na umalis ng bansa kahit napakaraming banta sa kanilang buhay.

Sinabi ni Cantillas na napipilitan na lamang ang mga OFWs na mangibang bansa upang maitaguyod ang kanilang  pamilya.

Nanawagan si Cantillas sa gobyerno na gumawa ng mga programang magbibigay ng labor improvement sa Pilipinas. Aniya, bahagi ng katuruan ng simbahang katolika na palagiang itaas at bigyang halaga ang dignidad ng mga migrante na nasa ibat-ibang bahagi ng mundo. Binigyang diin pa ni Cantillas dapat magsilbing aral sa mga OFW ang napakaraming kaso ng mga manggagawang Pilipino sa ibat-ibang bahagi ng mundo. 

Sinabi ni Cantillas na laging isaisip ng mga Filipino ang  kapakanan ng kanilang buhay at hindi lamang ang pera o pagkakaroon ng materyal na bagay at marangyang buhay. (Doris Franche) 

CANTILLAS

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DORIS FRANCHE

EPISCOPAL COMMISSION

MAASIN BISHOP PRECIOSO CANTILLAS

MIGRANT AND ITINERANT PEOPLE

PILIPINO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with