Waste free Xmas hiling
MANILA, Philippines - Nanawagan sa mga mananampalataya si Caloocan Bishop Deogracias Iniguez para sa isang waste-free Christmas.
Ang panawagan ay ginawa ni Iniguez, isang environmental advocate, bunsod ng inaasahang pagdami ng mga basura sa mga tahanan sa panahon ng kapaskuhan,
Ayon kay Iniguez, maaaring magbawas ng mga basura, mag-reuse at mag-recycle ngayong Pasko para mapangalagaan ang kalikasan at kapaligiran.
Sinabi ng Obispo na marami namang mga tao ang nagre-recycle na, ngunit kinakailangan pa ring ipagpatuloy ito at higit pang pag-igihan ngayong panahon ng Ka paskuhan.
Ayon pa kay Iniguez, higit na magiging maganda ang pagdiriwang ng pasko kung tulung-tulong ang tao sa pag-aalaga ng kalikasan.
Idinagdag pa ng Obispo na ang Kalikasan ay isang napakagandang regalo ng Diyos sa tao kaya’t ang lahat ay mayroong responsibilidad na pangalagaan ito. (Mer Layson)
- Latest
- Trending