First Family nasa HK
MANILA, Philippines - Nagbakasyon muna si Pangulong Arroyo sa Hongkong upang tuparin ang kanyang pangako sa kanyang mga apo.
Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde, mananatili sa HK si Mrs. Arroyo kasama ang kanyang pamilya at mga apo hanggang sa Disyembre 23.
Ayon kay Sec. Remonde, kahit nasa bakasyon ang Pangulo ay patuloy pa rin ang monitoring nito partikular sa pangyayari sa Mayon volcano.
Inatasan na ni PGMA si Defense Sec. Norberto Gonzales at DSWD Sec. Esperanza Cabral na makipag-koordinasyon kay Albay Gov. Joey Salceda upang masiguro na maihahatid ang lahat ng pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Iniutos ng Pangulo na dapat ay ‘zero casualty’ kaya dapat ipatupad ang forced evacuation sa mga itinuturing na danger zone na malapit sa bulkan. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending