NPO aalisin sa printing contract

MANILA, Philippines - Malaki ang posibilidad na alisin na sa National Printing Office ang kontrata sa pag-iimprenta ng mga resibo ng Land Transportation Office.

Unang hiniling ng Ready Form Inc. sa pangu­nguna ni General Manager Guillermo Sylianteng Jr., na suspindihin ang NPO mula sa printing jobs nito sa loob ng dalawang taon kasabay ang pagpa­pablacklist sa Government Procurement Policy Board.

Malaki ang paniniwala ni Sylianteng na ang natu­rang petisyon na kanilang inihain ang dahilan kaya nagpalabas ng kautusan ang NPO-Bids and Awards committee noong December 3 para hindi makilahok sa public bidding.

Iginiit pa ni Sylianteng na hindi na sakop ng NPO ang RFI dahil isang taon na itong hindi accredited dito kaya hindi nito maa­aring sampahan ng kaso ang RFI lalo pa’t sa ilalim ng Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act na hindi maa­aring ipasa ng ibang ahen­siya sa NPO ang procurements. Nilabag din umano ng NPO ang nasabing batas ng i-award ang LTO printing contracts sa NPO dahil ikinalat ang trabaho sa mga accredited printer.

Unang sinuspinde ng NPO ang RFI dahil sa umano’y pamemeke ng financial statements na agad na itinanggi ni Sylianteng.

Show comments