^

Bansa

Voters registration pinalawig ng Korte Suprema hanggang Enero 9, 2010

-

MANILA, Philippines - Handang sumunod ang Comelec sa kautusan ng Korte Suprema na palawi­ gin ang voter’s registration para sa 2010 polls hang­gang sa Enero 9, 2010.

Ayon kay Comelec Chair­man Jose Melo, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng desisyon ng Korte Suprema ngunit duda naman itong maihahabol pa ang mga pangalan ng mga botanteng ngayon lang magpaparehistro sa listahan ng mga makaka­boto sa Mayo 10,2010.

Ikinatuwiran ni Melo na tapos na ng Comelec ang mga voters’ list kaya ma­labo ng maihabol ang pa­ngalan ng mga botanteng papayagang makapagpa­re­histro hanggang Enero 9.

Una ng naghain ng Urgent Petition for Certiorari and Mandamus ang Kaba­taan Party list para pala­wigin ang pagpaparehistro batay na rin sa Voters Registration Act of 1996 na nagsasaad na ang pagpa­parehistro ay dapat isina­sagawa araw-araw at ipi­nagbabawal lamang may 120 araw bago ang regular election at 90 araw bago ang special election. Labag din umano sa Konstitusyon ang Comelec Resolution 8585 dahil nililimitahan nito ang panahon ng publliko sa pagpaparehistro.

Sa ilalim ng batas, kung Mayo 10, 2009 ang election, hanggang Enero 10, 2010 pa ang huling araw ng pagpaparehistro kaya uma­buso anila ang Comelec sa kapangyarihan nito. (Ludy Bermudo/Mer Layson)

CERTIORARI AND MANDAMUS

COMELEC

COMELEC CHAIR

COMELEC RESOLUTION

ENERO

JOSE MELO

KORTE SUPREMA

LUDY BERMUDO

MER LAYSON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with