2nd disqualification vs Rep. Tulfo ibinasura ng Comelec

MANILA, Philippines — Ibinasura ng 1st Division ng Commission on Elections ang isa pang disqualification case na isinampa ng isang Berteni Causing laban kay ACT-CIS Congressman Erwin Tulfo.
Ito ay kasunod ng pagbasura ng Comelec sa naunang DQ case na inihain naman ng isang Virgilio Garcia.
Bunsod nito ay lubos ang pasasalamat ni Rep. Tulfo, “una sa Poong Maykapal sa Kanyang patuloy na paggabay sa akin sa mga pagsubok na ito”.
Nagpapasalamat din si Cong. Erwin sa kanyang legal team, sa pangunguna ni Atty. Karen Jimeno, sa kanilang walang kapagurang pag-asikaso na maitawid ang kanyang laban sa mga balakid na dinaraanan.
Higit sa lahat ay nagpapasalamat din si Tulfo sa patuloy na tiwala at suporta sa kanya ng publiko.
“Ang desisyong ito ng Comelec ay muling nagpapatunay ng mariin nitong pagbabantay para sa isang tapat, patas at may integridad na pagpapatupad ng mga batas hinggil sa halalan,” wika niya.
- Latest